Monday, April 14, 2008

tsk.tsk.tsk.

kung akala mo na ma e encourage ka sa blog na ito. nagkakamali ka. kung gusto mong wag masira ang araw mo, mabuti pang ilipat mo na yung page ng computer/laptop mo. ang blog na ito ay punong puno lang ng reklamo.
iinit lang ang ulo mo =)

bakit naman ako mag ba blog ng puro reklamo?

bakit hindi?!

kung yung ibang blogger nga eh nag ba- blog ng tungkol sa ginawa nilang 'pointless' sa mag hapon, gaya ng mag stroll sa mall, nakita na nila yung dream sneakers nila, and pangrap nilang 'klase ng relationship' at iba pang kababawan (wag kang magalit...blog ko ito, AKIN, kung ano ang nakalagay dito opinyon ko, kung gusto mong mag reklamo... dalawa lang yan, sa presinto o mag blog ka din!), o di kaya ay tungkol sa flavor (flavor nga ba yung tawag dun?...pasensya na taga globl south nga eh!) ng starbucks na kape na ininom nila, pati nga yung size nakalagay e, or worst kung ano ang ginawang 'injustice' sa kanila ng mundo, gaya ng bakit wala silang ipod?, bakit (insert phone model here) lang ang telepono nila?, bakit 4'11 lang sila? at iba pang mga reklamo na nasa mukha naman na ang sagot pero nag tatanga tanghan sila.

tapos ako...ako pa ang hindi pwede mag blog?

don't think so!

wag kayong unfair.

ulit, ang blog na ito ay di makakatulong sa iyo. di ka ma e encourage, di ka matatawa, di ka ma i inspire and thus would only make you feel bad about everything and anything =)

the good news is, this is my outlet =) a place where i can flush my frustration, depression, angst, heartaches and anxieties =)

i desperately need something like this.

Labels: , , , , ,

1 Comments:

Blogger Memoirs of PCA said...

naku maam jen, same here, kaso more of emotional dumpsite yung blog ko.. haha, kulang sa intellect.. kaso may nang-away na sakin dahil sa post ko.. pero ok lang, go pa rin..

ano bang paki nila? blog natin to diba? magbasa nga sila ng disclaimer.

September 11, 2008 at 9:19 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home