Monday, April 14, 2008

dalagang pilipina

Ano ba ang problema ng mga ‘normal’ na babae ngayon?

Ang kukulit! Nuknukan.

Tuwing na lang lalabas ako walang palya meron talagang ‘encounter’ sa kanila.

Kung hidni sila nuknukan ng bagal kumilos (e.g nasa unahan mo sila at kapag nag lakad parang lahat ng lugar ay tourist spot…walang sense of urgencym, napakababagal, tapos paminsa may mga biglaan pang hinto na akala mo ba biglang natauhan...) o di kaya naman e siksik-liglig na maaarte! Alam mo yung arte na hindi mo ‘ma-deadma’ dahil humihiyaw ang kaartehan nila? Parang nag mu music video sa mga tuktok o isip nila?

Parang feeling nila nakatingin lahat ng tao sa kanila…

Parati na lang! Hindi ko nga alam kung ako na yung may diprensya eh…eto ang mga listahan ng mga kinabwibwisitan kong gawain ng mga ‘dalagang pilipina’-

*Racer back. Okay lang naman mag racer back malaya naman ang bansa natin. Pero! paki secure lang na di nakakadiri yung mga likod nyo.
Mag hilod kayo!
Parang may mga tipak pa ng libag at maliliit na di ko alam kung taghiyawat ba ang tawag mo dun, parang mga maliliit na bumps na ewan ko ba.
Basta eeewww!

*Yum Yum Shorts. Mga shorts nag a-panty na.
Hoy! Kung mukhang ‘puno’ yang legs mo o ikaw mismo tigil-tigilan mo nga ang pag susuot nyan (yes, friends pwedeng mukhang puno ang tao, imagine… maduming pag ka brown or brown na madumi…di mo pa rin ma imagine, punta kang Robinson’s Place Manila, hanapin mo yung mga babaeng small time na kasama ng mga kano…yung morena na madumi na parang agaw putik na yung kulay?)
Malungkot pa nito, minsan yung tuhod nila ‘well defined’ para bang nag penitensya sa Quiapo, parang nag lakad ng paluhod for three days. Napaka itim!
Eto pa, ‘mababa ang ulap’ yung likod ng hita nila o yung kuyukot na tinatawag ay napaka itim…parang di inaabot ng hilod.
At sila ang may mga karapatang mag yum yum shorts. Ano ba?!
At kung mamalasin ka pa…Hala! May libreng kamot pa sila? Nooooooooooooo!

*Tiara. Bakit? Prinsesa ka? Ng? Anong tribu? Baka di mo alam na ang tiara mo ay simbulo ng ‘inequality’?
Yung fact na gumagamit ka ng accessory na pakiramdam mo e nagiging cute ka pero di mo alam ang social significance nito…tanggalin mo yan, baka pag natanaw kita sabunutan kita, yung mapupunit yung balat ng ulo mo.

*Hooker Shoes. Hooker ka ba?
Ano bang meron sa takong?
Etong si Carrie Bradshaw kasi may kulto eh…pero ang point ay mag kaka migraine ka, sasakit ang likod mo at kalahati ng pagod mo ay galing sa pag tatakong mo…baket mo pa rin ginagawa?
Akala mo ba talaga gumaganda ka?
Huy! Ako na ang nag sasabi…Hindi.

*Langis. Bakit? I pi-prito ka?

Madami pa akong sasabihin pero napapagod na ako. Napakalaking effort ng pag rereklamo. Dapat dito sinusuwelduhan ko ang sarili ko =)

Mag kakape muna ako.

Bukas ulit.

Labels: , , , , , , , , ,

4 Comments:

Anonymous Anonymous said...

kapatid, payo lang, wag nang subukin manood ng gossip girl. mas madaming kaiinisan dun! hehe

-Meg

May 27, 2008 at 7:39 PM  
Anonymous Anonymous said...

Hahaha

This reminds me of that 70s song "Moviestar" by Harpo

"Moviestar, moviestar...you think you are a movie"

June 3, 2008 at 10:03 AM  
Anonymous Anonymous said...

bwahahahaha... sakto! dapat ikinakalat na ang link nito para madaming matauhan.hehehe... kapansin-pansin sapagkat naglipana ang lahi nila.

kath

July 16, 2008 at 10:45 PM  
Blogger Unknown said...

"ahgg" naawa ako sa mga babaeng naka-linya sa kategorya ng mga hiyaw ng isip at puso mo pren sa blog na ito. Maryosep! di ba tumatalab sa kanila ang mga adhikain ng pagiging isang pilipino? Masyado nilang pinapahiya o nilalamatan ang "trademark" ng isang dalagang pilipina! Kung sa mga teorya na napag-aaralan ko ibabase ang lahat, sinira na ng kanlurang (western) bahagi ang kridibilidad ng mga kababaihan d2 sa pinas. too much of televesion exposure "mga heavy viewer" di nila alam lahat ay puro "specs" lang sa mundong ibabaw! naninirang uri, mapanirang tanawin. Sa tulad naten na belong sa kategoryang "Highly Cognitive individual" sana lang... ung sa mga nalulunod na kababaihan ngayon dapat marunong ng umahon. - chikah lang lol :) mga kahayupan ksi, nakakadiri. kafal ng face! hahaha

July 16, 2008 at 10:50 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home